Ever Ready

June 20, 2008

Kalyo

Filed under: Poems — paulchilled08 @ 5:40 am

ni Kyle atbpa.

 Ang taong bulag, sa sarili’y bukal,

Mistulang tuod, kahoy na inaanay

Niloob ay balawis at masukal

Siya’y bumangon man, sadya paring bangkay

 

Abang ina’y nagdusa at nilugso

Ang kaliluha’y sumukob at namuno,

Tinanikala’t sa paa’y pinayukod

Ng mga mananakop at ganid ay buod

 

Kaya ikaw ay magmulat at tumindig,

‘di kaila’y sapat, matanto’t tumindig

Magliksi ka at pagtuwang ay makintal

‘pagkat ‘tong mandirigma ma’y napapagal

 

Aantayin pa bang buhay ay makitil?

Ihasik man sa lupang tigang ang butyl

Dumampi man ay nanatiling kutad

‘di nalasap ang kalayaang hinahangad

 

Panaghoy ng lupa at ngitngit ng bulkan

Ang dusting alipin at karalitaan

Hindi na mapapaknit ang mga hinagpis

Kapilas ang hilahil ng anak-pawis

 

Araw di’y sisikat sa bayan kong sawi,

Ngunit kamadhilakahan ay sa tangi

‘di nararapat sa sukab at palalo

Madili-dili ka ng ‘di mangimbulo

  

(para sa nyutral, manhid at walang pakialam)

-Published in banaag literay journal 2004

No Comments Yet »

No comments yet.

RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Leave a comment

Blog at WordPress.com.